Press Secretary Cruz-Angeles, negatibo na sa COVID-19

Photo credit: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles/Facebook

Negatibo na si Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles sa COVID-19.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Cruz-Angeles na negatibo na siya na nakahahawang sakit bandang 11:48, Linggo ng gabi (Agosto 21).

Matatandaang nagpositibo si Cruz-Angeles sa COVID-19 noong Agosto 15.

Kasunod nito, hinikayat ni Cruz-Angeles ang publiko na magpabakuna at tumanggap ng booster shot upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Read more...