Cuba, nakapagtala ng unang monkeypox case sa isang turista mula sa Italy

Reuters photo

Nakapagtala ang Cuba ng unang kaso ng monkeypox.

Ayon sa Public Health ministry ng naturang bansa, na-detect ang nakahahawang sakit sa isang turista na nanggaling sa Italy.

Nanatili ang turista sa isang rental home at nag-ikot sa iba’t ibang tourist destination sa western provinces ng Caribbean island bago makaramdam ng sakit.

Nagkaroon ang pasyente ng mga sintomas, kabilang ang skin lesions, at saka nakaranas ng cardiac arrest.

Naka-recover naman ang pasyente, ngunit nananatili pa rin ito sa kritikal na kondisyon.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak bilang global health emergency.

Read more...