Magnitude 4.3 na lindol tumama sa Panukulan, Quezon

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Quezon, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 43 kilometers Northeast ng Panukulan dakong 9:20 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol at walong kilometro ang lalim.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 2 sa Polillo, Quezon.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.

Wala ring inaasahang maidudulot na aftershocks ang lindol.

Read more...