Sa Tropical Cyclone Bulletin no. 1, sinabi ng weather bureau na walang pang lugar na nakataas sa tropical cyclone wind signal.
Ngunit, maari anilang magsimulang maranasan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa eastern sections ng Northern at Central Luzon simula Lunes ng madaling-araw, Agosto 22.
Ayon sa PAGASA, maaring bumagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Timog-Kanluran sa susunod na 12 oras.
Base pa sa forecast track, posibleng mag-landfall ang bagyo sa bisinidad ng Cagayan o northern portion ng Isabela sa Martes ng umaga o hapon, Agosto 23.
Sinabi pa ng weather bureau na maaring umabot sa tropical storm category ang bagyo sa susunod na 36 oras.
Kasunod nito, pinaaalerto ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices na maghanda sa posibleng idulot na pananalasa ng sama ng panahon.