Santiago inilabas na mula sa ICU

Mirriam InquirerNaibalik na sa kanyang private room sa Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor-Santiago mula sa Intensive Care Unit (ICU).

Ayon kay Chelsea Dauz, media relations officer ni Santiago, stable na ang kondinsyon ng mambabatas matapos magkaroon ng pneumonia dahil sa kumplikasyon sa kanyang lung cancer.

Simula ng isugod sa ospital si Santiago noon Lunes ay dumagsa ang kanyang mga bisita pero pinagbawalan silang makapasok sa silid ng pasyente.

Hindi rin pinayagang makapasok sa lugar ang mga regalo lao na ang mga bulaklak.

Sa kabilang ng pagkaka-lagak sa ICU, sinabi ng mga kaanak ng mambabatas na hindi nawala sa kanya ang pagiging palabiro at masayahin.

Umapela naman ang kampo ni Santiago sa publiko ng dagdag na panalangin para sa mabilis na pag-galing ng mambabatas.

Read more...