LTFRB hindi natinag sa bantang welga ng mga school service operators

School service
Inquirer file photo

Kumpiyansa si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton na hindi gaanong makakaapekto sakaling matuloy ang banta ng ilang school service operators nang hindi pagbiyahe sa pagbubukas muli ng mga klase.

Ayon kay Inton marami naman alternatibong paraan para makapasok at makauwi mula sa mga eskuwelahan ang mga estudyante.

Dagdag pa nito kadalasan sa unang araw ng pasok sa paaralan ay inihahatid ng mga magulang ang kanilang mga anak at sinusundo din ang mga ito.

Nauna nang nagbanta ang mga operators ng mga school transport service ng hindi pagbiyahe bilang pagkondena sa pagbabawal ng LTFRB na hindi na dapat gamitin ang mga sasakyang 15 taon pataas ang modelo.

Sinabi pa ni Inton marami na sa mga operators ang tumalima sa naturang kautusan at sumunod na rin sa iba pang requirements gaya ng paglalagay ng individual seatbelts at CCTV camera sa loob ng school service.

Read more...