Pangulong Marcos may state visits sa Indonesia at Singapore

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Bibisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, ito ay para sa state visit.

Magtutungo aniya ang Pangulo sa Indonesia sa Setyembre 4 hanggang sa 6 at sa Singapore ng Setyembre 6 hanggang 7.

Ito ang unang official state visits ni Marcos bilang bagong Pangulo ng bansa.

Samantala, sinabi ni Angeles na inaayos pa ang pagbisita ng Pangulo sa Amerika para dumalo sa United Nations General Assembly.

 

Read more...