Masbate niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang Masbate City kaninang 3:51 ng umaga, Agosto 20.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 24 kilometers.

Naramdaman ang Intensity II sa Masbate City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Masbate City at Intensity 1 sa Legazpi, Albay.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

 

Read more...