Kaso ng monkeypox sa Pilipinas nadagdagan

Karagdagang dalawang kaso ng monkeypox ang naitala sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang dalawang bagong pasyente ay kapwa bumiyahe sa mga bansa na may mga kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Pagbabahagi ni Vergeire, ang 34-anyos na pasyente ay sumasailalim sa home isolation, samantalang na sa isang health facility naman ang 29-anyos na ikatlong kaso.

May 17 close contacts ng ikatlong pasyente ang nakilala na ng DOH, samantalang nagsasagawa pa ng contact tracing sa kaso ng pangalawang pasyente.

Samantala, gumaling na ang unang pasyente ng monkeypox na kinumpirma noong Hulyo 29 matapos ang kanyang 21-day isolation period noong Agosto 5.

 

Ang natukoy na 10 close contacts nito ay wala naman naging sintomas at natapos na rin ang kanilang quarantine period.

Read more...