Pangalan ng mga pulis sa illegal drugs hawak na ng incoming PNP Chief

Ronald Dela Rosa2
Inquirer file photo

Dalawang listahan umano ang hawak ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa kaugnay ng mga pulis na may kinalaman sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, isa dito ang listahan ng mga pulis na nagsisilbing protektor ng mga illegal drug operators.

Ang isa naman ay listahan ng mga nakapuwesto na nasa kategoryang duwag na ayaw bumangga sa mga nasa sindikato ng droga.

Aminado si Dela Rosa, may mga matataas na opisyal ng PNP ang nasa kanyang listahan na protektor ng sindikato ng droga kabilang umano dito ang isang PNP General na ayaw muna niyang pangalanan.

Pero paniniyak ng incoming Chief PNP, walang sasantuhin ang pambansang pulisya kapag pinag-usapan ay illegal drugs  at pag-upong pag-upo niya sa pwesto ay uunahin nya ang mga opisyal na sangkot sa droga.

Read more...