159 kuntador ng kuryente na ilegal na kinabit sa Bilibid, nasamsam

Nasamsam ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga kuntador ng kuryente na ilegal na nakakonekta sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Umabot sa 159 ang kabuuang bilang ng kuntador ng kuryente na naalis ng ahensya.

Nai-turnover ang mga kuntador ng kuryente sa Office of Electrical Engineering Section para sa inventory.

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang electric meters ng humigit-kumulang 200 bahay sa loob ng NBP.

Read more...