San Andres, Quezon niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa lalawigan ng Quezon, Biyernes ng umaga.

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers Southeast ng San Andres dakong 11:45 ng umaga.

May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 3 sa San Francisco, Quezon.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...