Sen. Risa Hontiveros: Mga gusot sa DA, dapat plantsahin ni PBBM Jr.

Photo credit: Sen. Risa Hontiveros/Facebook

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ayusin na ang malalim na isyu sa pamunuan ng Department of Agriculture (DA).

Kasabay nito ang hirit ng senadora na magtalaga ang Punong Ehekutibo ng kalihim ng kagawaran na kikilos upang maiwasan ang nagbabantang krisis sa asukal at iba pang pangunahing produkto.

Ipinunto ng senadora ang kontrobersiya sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na patunay na kailangan na ng pagbalasa sa pamunuan ng DA at sa mga ahensiya na nasa ilalim ng pangangasiwa nito.

Una nang ibinasura ni Pangulong Marcos Jr. ang nabunyag na planong pag-angkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.

Bunga nito, ilang opisyal na ng DA at SRA, kabilang si Usec. Leocadio Sebastian, ang nagbitiw sa posisyon.

“This fiasco with the SRA is just the tip of the iceberg when it comes to the chaotic organization and operation of the DA. The president should reconsider his position and appoint a competent person who would take charge of the DA, end all controversies in the department, and focus on helping farmers and ensuring adequate food supply in the country,” aniya.

Read more...