No contact apprehension policy, subukan hanggang sa katapusan ng taon – Sen. Ejercito

Photo credit: Sen. JV Ejercito/Facebook

Iminungkahi ni Senator JV Ejercito na magtakda ng ‘trial period’ para sa pagkasa ng no contact apprehension policy.

Aniya, ang trial period ay maaring hanggang sa darating na Disyembre.

Paliwanag ng senador, ito ay upang maplantsa ang mga tinukoy na gusot sa polisiya.

Paglilinaw naman ni Ejercito, hindi siya salungat sa NCAP ngunit diin niya, kailangan lamang ay ayusin at itama ang ilang probisyon.

Tinukoy niya ang mga multa na mabigat para sa mga pangkaraniwang motorista tulad ng motorcycle at delivery service riders.

Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Local Government, dapat magkasundo ang transport groups at lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa halip na idulog pa ito sa Korte.

Read more...