Malawakang re-organization pinagha-handaan na ng PNP

PNP HQ
Inquirer file photo

Hindi pa permanente sa kanilang mga bagong pwesto ang mga opisyal na napabilang sa maagang balasahan na ipinatupad sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesp PCSupt Wilben Mayor, ang nabanggit na reshuffle ay wala pang kinalaman sa ipatutupad na pagbalasa ng uupong Chief PNP na si C/Supt. Ronald Dela Rosa sa June 30.

Paliwanag ni Mayor, maari pang magalaw sa kanilang mga pwesto ang mga opisyal pagpasok ng Duterte administration.

Labing-limang mga opisyal ng PNP ang nakabilang sa balasahan at na-reassign sa mga bagong posisyon epektibo kahapon ilang o linggo bago ang opisyal na pag upo sa pwesto ni Dela Rosa.

Tiniyak naman ng opisyal na nanatiling mataas ang morale ng pambansang pulisya lalo’t malaki ang hamon sa kanilang hanay na puksain ang mga sindikato ng droga sa bansa pag-upo ng bagong administrasyon.

Read more...