MMDA, sinuportahan ang LGUs sa no contact apprehension policy

MMDA photo

Nagpahayag ng suporta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) na nagpapatupad ng ‘no contact apprehension policy.’

Sa inilabas na pahayag ni MMDA Chairman Carlo Dimayuga III, sinabi nito na epektibo ang bersyon nila ng polisiya, ang ‘No Physical Contact Apprehension Program.’

Sinabi ni Dimayuga na malaking tulong sa kanilang traffic enforcers ang naturang program at nagsisilbi itong kanilang ‘force multiplier.’

Dagdag pa ng opisyal, nakatulong din ito sa mga motorista para malaman ang mga batas-trapiko.

Binanggit din nito ang nakasaad sa Local Government Code of 1991 na nagbibigay ng autonomiya sa mga lokal na pamahalaan ukol sa pagpasa ng mga ordinansa para sa ikakabuti ng kanilang mamamayan at pamayanan.

Pagtitiyak na lang din ni Dimayuga na bukas sa anumang diskusyon ukol sa isyu kasabay nang pagbalanse sa interes ng publiko at pagtupad ng kanilang mga mandato ukol sa trapiko at transport management.

Read more...