DOLE, tutulong sa pagpapalakas ng tourism jobs

Makikipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Tourism (DOT) upang mapalakas ang employment sa hospitality industry.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nagkukulang sa manpower sa hotel establishments ayon sa tourism stakeholders.

Ayon sa kalihim, kasama sa pakikipag-ugnayan ang pag-oorganisa ng job fairs sa iba’t ibang parte ng bansa, katuwang ang regional offices ng DOLE, DOT, at mga lokal na pamahalaan.

“It will be a series of job fairs to be held in various cities and provinces with initial focus in Metro Manila, Cebu and Davao,” pahayag ni Laguesma.

Maglalabas aniya ng memorandum of understanding (MOU) upang gawing pormal ang kolaborasyon ng dalawang kagawaran para sa job fairs.

“What we’re about to undertake aims to support the government’s economic recovery program by providing a platform for job seekers for job opportunities in various tourism sectors and allied services,” ani Laguesma.

Dagdag nito, “Through the job fairs, we can help organizations find the best candidates for their vacancies, thus bridging industry gaps.”

Nakatakdang isagawa ang proyektong ‘Trabaho Turismo Asenso’ sa Setyembre 22 hanggang 24, 2022.

Read more...