Mayor Belmonte, idineklarang special non-working holiday sa QC sa Agosto 19

Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na Special Non-Working Holiday sa Agosto 19 sa lungsod.

Ito ay bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Alinsunod na rin ito sa Republic Act No. 6741 na nagdedeklarang Special Non-Working Holiday ang Agosto 19.

Ibig-sabihin, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa buong lungsod.

Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management.

Read more...