Outbound passengers sa mga pantalan kasabay ng nalalapit na pagbabalik ng klase, nasa higit 20,000

Mahigpit na tinututukan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Batay sa Oplan Balik Eskwela 2022 monitoring ng PCG, nakapagtala ng kabuuang 20,445 na outbound passengers sa mga pantalan habang 20,265 inbound passengers.

Ito ay mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Huwebes (Agosto 18).

Nasa 2,438 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 203 ang inspected vessels at 209 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...