Hinikayat ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang publiko na magpaaturok na ng booster shot kontra COVID-19.
Sa ambush interview sa PinasLakas Vaccination Program sa SM Manila, sinabi ni Marcos na sinamahan niya ang kanyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpa-booster shot para maitaas ang awareness ng taong bayan.
Nang tanungin si Marcos kung kwalipikado na itong magpaturok ng ikalawang booster shot dahil hindi pa naman ito available sa general public, paliwanag nito na available naman ang mga bakuna.
Pfizer ang ginamit na brand ng booster shot ni Congressman Marcos.
Sa ngayon, wala namang nararamdamang side effects ang mag-amang Marcos.
Sinabi pa ni Congressman Marcos na mayroon na namang uptick o tumataas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung kaya kailangan na magpaturok na ng bakuna.
Narito ang pahayag ni Cong. Sandro:
WATCH: Matapos magpaturok ng COVID-19 booster shot, hinikayat ni Ilocos Norte Rep. @sandromarcos7 ang publiko na tumanggap na rin nito upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/tXocpIbyA8
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 17, 2022