Palalawigin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang umiiral na State of Public Health Emergency sa bansa na nakatakdang magtapos sa Setyembre 12 dahil patuloy pa ang banta sa COVID-19.
Sa ambush interview sa PinasLakas Vaccination Program sa SM Manila, sinabi ng Pangulo na kinausap na niya si Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire para sa naturang usapin.
Paliwanag ng Pangulo, kapag nasa State of Public Health Emergency ang isang bansa, maraming bansa ang nagbibigay ng bakuna kontra COVID-19.
Isa na aniya ang World Health Organization (WHO).
“At kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun. But if we can change — we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na maaaring palawigin ang State of Public Health Emergency hanggang sa katapusan ng taon.
Marso 8, 2020 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Number 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Marcos:
WATCH: Pangulong Ferdinand @bongbongmarcos Jr., ikinokonsidera ang pagpapalawig ng state of public health emergency bunsod ng COVID-19 pandemic hanggang sa katapusan ng taong 2022. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/9ZHtOZnqjl
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 17, 2022