Ex-Sec. Alfonso Cusi, ‘no show’ muli sa cyberlibel case

Contributed photo

Sa ikalawang pagkakataon, muling hindi nagpakita si dating Energy Secretary Alfonso Cusi sa preliminary investigation ng reklamong cyberlibel sa Valenzuela City Prosecutor Office.

Muli ring sumipot si Sen. Sherwin Gatchalian sa preliminary investigation, araw ng Lunes (Agosto 15).

Noong nakaraang Hulyo 14, inihain ni Gatchalian ang reklamo laban kay Cusi dahil aniya sa mga malisyoso at mapanirang puri na pahayag ng dating kalihim sa website ng Department of Energy noong nakaraang Pebrero 4.

“Cusi’s statement is clearly defamatory and obviously intended to cause dishonor, discredit, or contempt not merely of my position as a Senator of the Republic but more importantly of my integrity as a public servant,” ang unang pahayag ni Gatchalian.

Noong nakaraang Agosto 1, ginanap ang unang preliminary investigation sa reklamo at hindi dumalo si Cusi bagamat hiniling nito sa pamamagitan ng kanyang abogado na bigyan sila hanggang Agosto 15 para magsumite ng kanilang counter-affidavit.

Pinagbigyan naman sila ni City Prosecutor Rudy Ricamora, na nagbabala na hindi na siya magbibigay pa ng karagdagang palugit.

Araw ng Lunes, Agosto 15, sa pangalawang preliminary investigation, muling hindi sumipot si Cusi at hiniling muli ng kanyang mga abogado na bigyan pa sila ng isang linggo para makasunod sa utos ni Ricamora.

Read more...