Arestado ang isang Amerikasong pugante dahil sa mga kasong may kinamalan sa mga menor de edad na biktima.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Officer-in-Charge Commissioner Rogelio Gevero, Jr., nahuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ang 35-anyos na si Tye Braxton Stiger sa bahagi ng Diego Cera Avenue, Las Piñas noong Sabado.
Sa bisa ng Mission Order ng BI, ipinag-utos ang pag-aresto kay Stiger makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa U.S. authorities ukol sa mga kinakaharap nitong kaso.
Lumabas sa record na mayroong outstanding warrant of arrest laban kay Stiger na inilabas ng City of Jonesville, Hillsdale County, Michigan noong Hulyo 2022 dahil sa 35 bilang ng child pornographyrelated charges, na paglabag sa Michigan Compiled Laws.
Napaulat na nakasuhan na rin ang dayuhan ng ilang bilang ng sexually abusive activity at possession ng child sexually abusive material, at iba pang offense sa mga biktima nito.
“Arresting these criminals has always been a priority of our agency, and getting another predator off our streets means we are protecting our kababayan from harm,” ani Gevero.