Phivolcs, nakapagtala ng 17 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal

Nakapagtala ang Phivolcs ng 17 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kasama rito ang 15 tremors na tumagal ng dalawa hanggang 15 minuto at mahinang background tremor.

Naitala rin ng ahensya ang 3,802 tonelada ng sulfur dioxide flux.

May ‘upwelling’ ng mainit na volcanic fuilds sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa Hilagang-Silangan.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastilla fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

Read more...