Nakapulong ni Vice President Sara Duterte ang ilang opisyal ng Ayala Corporation sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City, araw ng Martes (Agosto 16).
Kasama ni Duterte sa pulong sina Ayala Corporation Chairman Jaime Zobel de Ayala, Ayala Foundation President Ruel Maranan, iPeople President Alfredo Ayala, at Senior Director for CorpComms of Ayala Foundation Cel Rosales-Amores.
Ayon kay Duterte, ipinaabot nila pagsuporta sa mga programa ng kagawaran para sa ikauunlad ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
“Nagpapasalamat po ako sa Ayala Foundation sa kanilang dedikasyon at pagpapaabot ng tulong para sa lahat ng Filipino learners,” saad ng bise presidente.
MOST READ
LATEST STORIES