Mayor Joy Belmonte pinarangalan ng Gabriela Silang of the First Order Award

Ginawaran ng Gabriela Silang of the First Order Award si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ito ay base sa Resolution Number 51-2022 na ipinasa ng City Council ng Vigan.

Bukod sa naturang parangal, ginawa ring adopted daughter ng Vigan si Belmonte.

Batay sa resolusyon, ang hakbang ay  bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa diwa ng Bayanihan at natatanging kontribusyon ng Quezon City Government sa pangunguna ng ating punong lungsod.

Tinukoy sa resolusyon ang mabilis na paghahatid ng tulong ng Quezon City sa mga kababayan nating naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Vigan City.

Ang Gabriela Silang of the First Order Award ay natatanging paprangal na ipinagkakaloob sa mga kababaihan at sa asawa ng pinuno ng estado.

Isa sa mga nakatanggap ng naturang award ay si Ginang Aurora Quezon na asawa ni dating Pangulong Manuel Quezon.

 

Read more...