Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 270 kilometers Kanluran ng Calayan, Cagayan.
Maliban sa LPA, nakakaapekto pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa maraming lalawigan sa Luzon.
Asahan aniya ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Northern Luzon area partikular sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, MIMAROPA, at CALABARZON dulot ng LPA at Habagat.
Sa nananatili namang parte ng bansa, maaring makaranas ng bahagyang maulap na papawirin, maliban sa mga panandaliang pag-ulan.
READ NEXT
Pangulong Marcos, kinumpirma ang pagkakatalaga kay Domingo Panganiban bilang DA undersecretary
MOST READ
LATEST STORIES