Pangulong Marcos, kinumpirma ang pagkakatalaga kay Domingo Panganiban bilang DA undersecretary

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Itinalaga si Domingo F. Panganiban bilang bagong undersecretary ng Department of Agriculture (DA).

Kinumpirma ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang Facebook post.

Nanumpa si Panganiban sa Punong Ehekubito sa Palasyo ng Malakanyang noong Agosto 12, 2022.

Ibinahagi ng Pangulo ang panunumpa ni Panganiban sa naturang social media post.

“Isang karangalan ang makatrabaho ang ating mga dalubhasa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bayan lalo na sa sektor ng agrikultura,” saad nito.

Read more...