Higit 28,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 28,008 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Agosto 15, 2022, base ito sa naitalang datos simula Agosto 8 hanggang 14, 2022.

Mas mataas ito ng tatlong porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Agosto 1 hanggang 7.

Nasa 4,001 naman ang daily average cases.

Samantala, may 101 na bagong severe and critical cases habang 229 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 30.9 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 6,781 sa 21,968 non-ICU beds ang gamit.

28 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 719 sa 2,571 ICU beds ang gamit.

Nasa 822 naman ang severe and critical admissions, o 9.6 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...