Press Sec. Trixie Cruz-Angeles positibo sa COVID 19

 

Inanunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na positibo siya sa COVID 19.

Ayon kay Cruz-Angeles, nagpa-swab test siya kahapon, araw ng Linggo, at lumabas ang resulta ngayon umaga na nagpakita na taglay niya ang 2019 coronavirus.

“Ako po ay positive for COVID 19. Kung kayat sa bahay muna ako magta-trabaho habang ako ay naka-isolation,” aniya.

Kasabay nito, hinikayat na niya ang puwede naman magpabakuna na magpaturok na ng proteksyon sa COVID 19.

Nakatakdang dumalo ngayon araw ang kalihim sa isang organizational meeting sa Senado.

Read more...