Humihirit si Senador Bong Go sa pamahalaan na lagyan ng health safety officers ang lahat ng eskwelahan sa bansa.
Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng pagbubukas ng klase sa Agosto 22 at sa patuloy na banta ng pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Go, malaking tulong ang mga health safety officers para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at iba pang school personnel.
Nagtungo si Go sa Maasin City, Leyte para mamahagi ng ayuda sa mga estudyante.
“Always health and life ang priority natin dahil tumataas na naman ang kaso (ng COVID-19) sa ngayon,” pahayag ni Go.
“Dapat meron tayong ilagay na… health officer sa eskwelahan… to check na safe ba talaga ang mga bata, safe ang mga teacher, at dapat po magpabakuna ang lahat,” dagdag ng Senador.
Simula sa Nobyembre 2, ibabalik na ang face-to-face classes sa buong bansa.