Merida, Leyte, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Merida, Leyte kaninang 6:49 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 22 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Albuera at Calubian sa Leyte.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami.

Ayon sa Phivolcs, walang nasirang ari-arian sa lindol.

 

Read more...