4,533 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Sa nakalipas na isang araw, mataas muli ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) sa araw ng Huwebes, Agosto 11, may 4,533 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Dahil dito, umakyat sa 37,962 ang bilang ng mga pasyente na nagpapagaling pa.

Sa kabuuan, nasa 3,818,480 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 3,719,602 o 97.4 porsyento ang mga naka-recover, habang 60,916 ang COVID-19 related deaths.

Apela pa rin ng pamahalaan sa publiko, magpabakuna at sumunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang hawaan sa naturang sakit.

Read more...