Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Huwebes ng umaga (Agosto 11), nasa 19,263,425 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 simula noong Hulyo 25.
Sa nasabing bilang, 16,943,745 ang kabilang ng nakapag-enroll na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, 2,254,879 sa mga pribadong paaralan, habang 64,801 naman sa SUCs o LUCs.
Region IV-A pa rin ang may pinakamaraming naitalang enrollees na may 2,802,842, na sinusundan ng Region III (2,180,334), at National Capital Region (2,161,816).
Paalala ng DepEd, may tatlong paraan sa pagpapatalla: in-person, remote, at dropbox enrollment.
Para naman sa Alternative Learning System (ALS) learners, maaari na ring magpatala nang in-person o digital.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.