VP Duterte, nag-inspeksyon sa Limasawa school

Nag-inspeksyon si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang pampublikong paaralan sa Limasawa Island, Southern Leyte bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Sinalubong si Duterte ng mga opisyal ng Triana Elementary School at tinalakay ang mga paghahanda para sa face-to-face classes.

Napinsala ang naturang eskwelahan ng tumamang Bagyong ‘Odette’ noong Disyembre 2021.

Ipinaliwanag ni Duterte ang kahalagahan ng in-person classes para sa pag-unlad ng mga mag-aaral.

Inihayag din nito ang mga gagawing hakbang ng Department of Education (DepEd) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Sa ilalim ng DepEd Department Order 34, kailangang ipatupad ng mga paaralan ang social distancing at pagsusuot ng face masks.

Dagdag ni Duterte, mahigpit na makikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Health (DOH).

Dahil sa tindi ng napinsala, kailangan ng rehabilitasyon ng Triana Elementary School at sinabi ni Duterte na kailangan itong apurahin.

Sa kabila nito, tiniyak ni Judilyn Kangleon, Education District-in-charge, na tuloy ang pagbubukas ng klase base sa itinakdang schedule.

“Pwede naman [magklase] ma’am kay na naay trapal (We can hold classes because we have tents),” saad nito Kangleon sa bise presidente.

Siniguro rin ni Duterte sa mga guro at estudyante na isa sa mga prayoridad ng pamahalaan ang pag-rehabilitate ng mga eskwelahang napinsala ng Bagyong ‘Odette’ sa Mindanao at Visayas.

Read more...