Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz, nakipagpulong na siya sa mga kinatawan ng Dermalog.
Ayon kay Guadiz, paunang pagpupulong pa lamang ito para maayos o higit na maging episyente at matugunan ang mga reklamo ng publiko hinggil sa mga serbisyo nito.
Una nang nakatatanggap ang LTO ng mga pagpuna hinggil sa mabagal na pagproseso ng pagpaparehistro ng mga sasakyan gayundin sa pagkuha ng lisensya ng pagmamaneho.
Ang mga nasabing hinaing ng publiko ang nagtulak sa bagong LTO Chief upang agad na umaksyon kabilang na ang masinsinang pakikipag-usap sa Dermalog.
“We cannot ignore the sentiments of the motoring public. Their complaints were duly noted, and we would like to assure them that we will seek immediate resolution to their complaints so that their experience when coming to the LTO will always be a pleasant one,” pahayag ni Guadiz.
Sa ngayon, ipinasisiguro ni Asec. Guadiz sa Dermalog na magiging mabilis at komportable para sa publiko ang mga transaksyon sa Ahensya.
Ipinunto ni Asec. Guadiz ang sitwasyon na may ilang indibidwal pa ang nagmumula sa mga malalayong lugar at bubuhusan ng oras ang pagproseso ng kanilang mga dokumento sa LTO ngunit mabibigo na agad na makuha ito.
“It is a pity that they will spend their entire day at the LTO and yet come home empty handed or are unsure when they will be able to receive their documents. That is the assurance we wish to give them, that every time they go to the LTO, there are no delays, no runarounds. They can expect nothing less than the best with regard to public service,” pahayag ni Guadiz.
Inaasahang muling magpupulong ang LTO at Dermalog bilang bahagi ng mga hakbang sa pagresolba ng mga isyu sa serbisyo ng Ahensya na pinangangasiwaan ng IT provider nito.