Kongreso, pinababalangkas na ng batas ukol sa Center for Disease Control and Prevention, Virology Institute

Muling idiniga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kongreso na bumalangkas ng batas para sa pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines at Center for Disease Control and Prevention.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdalo sa ika-15 Philippine National Health Research System Week celebration sa Pampanga.

Paliwanag ng Pangulo, malaking tulong ang dalawang kagawaran para sa preparasyon at pagresponde sakaling may pandemya sa bansa.

“So that we can consolidate in a better way all of the disparate research, all the different sources of knowledge, all the different sources of research and new data. We can put it together and be more coordinated as opposed to what we had to work with during the pandemic,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang ang dalawang panukalang batas ay kasama sa 19 panukalang batas na prayoridad ng Pangulo na una nang inilatag sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi pa ng Pangulo na pagsusumikapan ng administrasyon na matiyak na ligtas ang samabayang Filipino sa ano mang uri ng sakt at mabibigyan ng maayos na pagkalinga sa kalusugan.

Read more...