Isang “social call” lamang ang ginawa ni talunang Quezon City mayoral candidate Mike Defensor sa pagpupulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos punahin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang pagdalo ni Defensor sa meeting ng MMDA.
Ayon kay Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles, walang katotohanan na si Defensor ang susunod na itatalagang pinuno ng MMDA.
“The visit was just a social call,” pahayag ni Angeles.
“Right now, we have no information on that. As you know, you are right, there is a one-year ban. So, there will be no announcement as to who will be appointed even assuming that it’s going to be him. So, right now, that’s in the realm of speculation,” pahayag ni Angeles.
Una rito, sinabi ni Enrile na pagpapakita ng “arrogance of power” ang ginawa ni Defensor.
Kinukwestyun ni Enrile ang presensya ni Defensor gayung wala naman itong posisyon o pakay sa MMDA.