P14M halaga ng shabu, ecstasy nasabat ng BOC-NAIA

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – NAIA ang tatlong parcels na naglalaman ng shabu at ecstasy.

Unang nadiskubre ang 300 gramo ng shabu, na itinago sa wall sticker, sa DHL Warehouse.

Nagkakahalaga ito ng P2.04 milyon.

Samantalang, dalawang parcels naman na naglalaman ng ecstasy ang nadiskubre sa Central Mail Exchange Center.

Ang unang parcel ng ecstasy ay idinekalrang mga regalong pang-babae at pambata at nagkakahalaga ito ng P8.9 milyon.

Samantala, walang deklarasyon ang pangalawang parcel at tinatayang P3.8 milyon naman ang halaga ng ecstasy laman nito.

Inaalam na ang mga responsable sa tangkang pagpupuslit ng mga droga.

Read more...