Gayunpaman, sinabi ni Olivarez na sa kanyang palagay ay epektibo ang naturang polisiya dahil naging disiplinado at sumusunod sa batas-trapiko ang mga motorista.
Bukod dito ay nabawasan din ang pangongotong ng mg awtoridad sa kalsada.
Dagdag pa ng alkalde, naiiwasan rin ang mga aksidente dahil nagiging maingat sa pagmamaneho ang mga motorista.
Una nang nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang suspindihin ang pagkasa ng NCAP dahil sa mga reklamo ng public transport at cargo operators.
MOST READ
LATEST STORIES