China may dagdag-donasyon para sa Northern Luzon M7.0 quake victims

DSWD PHOTO

Tinanggap na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second batch na donasyon ng gobyerno ng China para sa mga biktima ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Northern Luzon.

Mismong si DSWD ASec. Rommel Lopez ang tumanggap ng mga relief goods na donasyon ng China Investment and Real Estate Co., Ltd. at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCI).

Kabilang sa donasyon ang 58,000 bags ng tig-5 kilong rice packs na nagkakahalaga ng  P10 milyon.

Noong Agosto 2 lamang, nagbigay ang Chinese government ng 58,000 rice packs.

Sa kabuuan, nasa 166,000 bags ng bigas ang ibinigay ng China sa DSWD.

Nagpapasalamat naman muli ang DSWD sa tulong na ibinigay ng China.

Read more...