Pangungunahan mismo ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pagsasagawa ng surprise drug test sa mga kulungan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Hakbang ito, ayon kay Abalos, para malinis sa droga ang mga kulungan.
“I will personally go to our jails and I will be conducting surprise drug testing of BJMP personnel and PDLs in those jails,” ayon sa kalihim.
Kaya’t binalaan niya ang mga opisyal at tauhan ng BJMP na kapag may nagpositibo sa kanila, mangangahulugan na may nakakapasok na droga sa mga kulungan.
Gagawin ito ni Abalos kasunod ng mga ulat na nagpapatuloy ang operasyon ng nakakulong na drug lords.
Kailangan din aniya ng signal jammers sa mga kulungan para maputol ang komunikasyon ng drug lords sa labas.