PAGASA, may bagong LPA na binabantayan sa labas ng bansa; Habagat magpapaulan sa ilang lalawigan

DOST PAGASA satellite image

May bagong low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA sa labas ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, Southwest Monsoon o Habagat ang nakakaapekto sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Bunsod ng nasabing weather system, makararanas ng pag-ulan ang Ilocos region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Northern Palawan, at Kalayaan Island.

Magiging maayos naman ang lagay ng panahon sa nalalabing parte ng bansa.

Samantala, patuloy pa ring tinututukan ng PAGASA ang mga sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sinabi ni Torres na isa nang tropical storm ang Bagyong Mulan. Nalusaw naman aniya ang LPA sa bahagi ng Mindanao.

Read more...