Red tape sa government services, nais maputol ni Sen. Grace Poe

Naniniwala si Senator Grace Poe na may paraan para mapabilis at mapadali ang pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Kayat muling isinusulong ni Poe ang E-Government Act sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill No. 334.

Sinabi nito na na kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala, matutuldukan ang mahabang pila at matagal na paghihintay ng mamamayan para sila ay maserbisyuhan.

“Karapat-dapat na maranasan ng ating mga kababayan ang maginhawang pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan,” ani Poe.

Dagdag pa ng senadora, “Sa gitna ng bagong normal, higit na mahalaga ang mabilis at maaasahang paglilingkod ng mga sangay ng gobyerno sa ating mga mamamayan nasaan mang dako ng bansa.”

Sa panukala, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang babalangkas ng isang e-government master plan para sa paglulunsad ng mga online na serbisyo ng mga ahensya.

Bahagi ng master plan ang archive at records management system, online payment system, citizen frontline delivery services, at public finance management at procurement system.

Read more...