6-anyos na bata na iniulat na nawawala, natagpuang patay

 

Patay na nang matagpuan ang 6-taong gulang na batang unang napabalitang nawawala noong nakaraang linggo sa bayan ng Polilio sa lalawigan ng Quezon.

Natagpuan ang bangkay ng batang kinilalang si Jaymark Larita, Miyerkules ng umaga sa Purok 4, Ilang-ilang ng Barangay Taluong sa nasabing bayan.

Napansin ng isang nagtatanim ng copra ang masangsang na amoy sa bundok na malapit sa tinitirhan nito, at nang sundan niya ang amoy, doon na niya natagpuan ang bangkay ni Larita.

Ilang araw na umanong nawawala ang bata ayon sa mga kaanak nito, at huli anila itong nakita nang sunduin ng isang naka-motorsiklo sa harapan ng simbahan sa Polilio.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagkamata ng batay, pero base sa paunang resulta, sinaksak ng matalas na kahoy ang leeg ng bata.

Read more...