Mga professional boxers, pwede na sa Olympics

 

Opisyal nang inanunsyo ng International Boxing Association (AIBA) na papayagan na ang mga professional boxers na lumaban sa darating na 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Sa pagtitipon ng 88 miyembro ng AIBA sa Lausanne, Switzerland, majority ang bumoto ng pagpayag sa hakbang na ito, walang kumontra at apat lamang ang nag-abstain.

Inanunsyo ng isang senior official ng AIBA sa Agence France Presse ang nasabing desisyon ng organisasyon, ngunit tumanggi siyang magpakilala dahil sa kakulangan ng otorisasyon na magsalita sa publiko kaugnay sa isyu.

Bagaman naibaba na ang desisyon, malabo naman itong daluhan ng malalaking pangalan sa industriya ng boksing.

Para kasi sa mga professional boxers, masyado nang late para sumali pa sa qualifying tournament.

Marami rin namang tumutol sa hakbang na ito ng AIBA sa pag-giit na katawa-tawa lang kung pagsasamahin sa isang ring ang amateur at professional boxer.

Pero ito naman ay labis na suportado ni AIBA president Wu Ching-Kuo, dahil naniniwala siyang walang basehan ang pagkakaiba ng mga professional at amateur boxers.

Read more...