Lumabas na taglay ni Senator Cynthia Villar ang nakakamatay na COVID-19.
Sa pagsisimula ng sesyon, inanunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na positibo sa naturang sakit si Villar.
WATCH: Senate President @migzzubiri kinumpirma na positibo sa COVID-19 si Sen. @Cynthia_Villar | @escosio_jan
🎥: Senate PRIB pic.twitter.com/zHHJpAjPNA
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 9, 2022
Ngunit sa roll call para sa attendance ay sumagot pa si Villar, na nakadalo pa sa sesyon, araw ng Lunes (Agosto 8).
Lunes ng gabi, sumama ang pakiramdam ng senadora kayat nagpa-swab test na ito.
Sa kaparehong araw din nakumpirmang positibo rin sa COVID-19 si Sen. Imee Marcos.
Noong nakaraang linggo, si Sen. Alan Peter Cayetano ang tinamaan ng sakit at ngayon ay tinatapos na lang nito ang itinakdak isolation period.
Sina Cayetano at Marcos ay ‘virtually present’ din sa sesyon sa araw ng Martes, Agosto 9.