Pangulong Marcos, bumisita sa puntod ng ama

PNA photo

Matapos dumalo sa state funeral ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa puntod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Base sa litrato ng Malakanyang, makikitang nag-alay ng panalangin ang Pangulo para sa kanyang ama.

Nakahimlay ang mga labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nobyembre 2016 nang ihimlay ang mga labi ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Read more...