Pagbaha sa Maynila, hindi dahil sa Dolomite Beach ayon sa MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi ang Dolomite Beach sa Maynila ang dahilan ng pagbaha noong Biyernes.

Ayon kay MMDA acting General Manager Baltazar Melgar, ang ongoing drainage system project sa lugar ang dahilan ng pagbaha.

Hindi pa kasi aniya tapos ang paggawa sa pumping stations at pipeline sa lugar.

“Dolomite Beach has no connection to the recent flooding in the area. The reason why flood water subsided slowly during heavy rains last Friday was the ongoing construction of three pumping stations and a pipeline by the Department of Public Works and Highways (DPWH) which is expected to be completed by October,” pahayag ni Melgar.

Tatlong pumping station aniya ginagawa para sa Padre Faura Drainage, Remedios Drainage at Estero De San Antonio.

Sinabi pa ni Melgtar na ang tatlong pumping stations at pipeline ay bahagi ng engineering solutions ng pamahalaan para mabawasan ang coliform level sa Manila Bay at para maaring mapaglanguyan na ito.

Sinabi pa ni Melgar na kaya bumagal ang paghupa ng tubig sa Manila dahil na-divert pa ito sa Pasig River sa pamamagitan ng Balete Pumping Station sa halip na diretso na sana sa Manila Bay.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang MMDW sa Department of Public Works and Highways para magkaroon ng mobile pump sa lugar.

“These storm waters can be safely discharged directly into the Manila Bay because it can be diluted,” pahayag ni Melgar.

 

 

Read more...