Agad inaresto ang 31-anyos na babae nang makumpirma na siya ang nanloko sa isang lalaki na nahumaling sa kanya sa social media.
Hinuli si Marijoe Coquia, residente ng Pangasinan, nang kuhanin nito sa remittance center sa Tarlac City ang karagdagang pera na ipinadala ng hindi na pinangalanan na biktima.
Ayon sa biktima, nakilala niya ang suspek sa social media sa pangalang “Grace Anderson”, na nagpakilalang miyembro ng U.S. Army na nakabase sa Syria.
Nang makuha ang tiwala ng biktima, humingi ito ng P110,000 kapalit ng ipapadalang package na nagkakahalaga ng $1.7 million o P94 milyon.
Matapos makapagpadala, muling nanghingi ang suspek sa katuwiran na may mga kinakailangan na bayaran na Custom taxes.
Sa sandaling ito, nagduda na ang biktima kayat nanghingi na ito ng tulong sa Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG), na agad naman nagplano ng entrapment operation para maaresto ang ‘love scam suspect.’